Climate Change












Ang ating mundo ay biyayang ipinagkaloob ng Dios.Tayo ay nakkapaglakbay,at nakakapagliwaliw sa malinis na kapaligirang, maraming halamang nagbibigay buhay sa ating paligid. Ang mga likas na yaman ay nakakatulong na umunlad ang produkto sa bawat bayan upang lalong umangat at mapaganda ang ating pamumuhay.
Subalit,dahil sa puno ng likas na yamang ito,isang munting gawa ang nangyayari upang mapagod sa pag-aabuso ang ating kapaligiran. Hindi natin alam na dahil sa mga basura,kalat na plastic wrapper,mga gawaing tao tulad ng pagmimina,na sanhi ng pagkakaroon ng iba’t-ibang singaw na sinisipsip ng lupa sa kabunduka,at siya ring pagka-alinsangan sa kapaligiran na nakasisira sa ating paligid na sanhi ng pabago-bagong klima o climate change,na kadalasan ay ang pagkakaroon ng solar radiation na nakakasira sa ating paligid na nagdudulot ng iba’t-ibang sakit sa ating kalusugan.
Galit ng inang bayan,ang ating mararanasan kapag hindi natin alam na pangalagaan ang ating pangangailangan para sa ating sarili. Tayo ay may kakayahang sumuporta,pagandahin ang ating buhay,natututo tayong sumamba,upang patuloy nating maitaguyod ang ating kinabukasan,natutupad ang mga pangarap,napaliliwanag sa ating lahi na tayo ay kailangang magsumikap upang hindi natin danasin ang pagbabagong dulot ng climate change.
Ang pag-aabuso,katulad ng ibang planeta,na kpag hindi natin nagagawang mag-isip,ang ipinagmamalaki nating malinis na kapaligiran ay mananatiling panaginip na lamang.

Comments

Popular posts from this blog

Paglinang sa Kakayahang Pangkomunikatibo sa Gramatika at Pagsulat

Mga Kabataan sa Pagsulong ng Edukasyon