Paglinang sa Kakayahang Pangkomunikatibo sa Gramatika at Pagsulat




                Paglinang sa Kakayahang  Pangkomunikatibo s Gramatika at Pagsulat

Ang isa sa atin ay may kanya-kanyang kakayahan mula pa pagkabata. Mayroon tayong mata upang makakita at makabasa,bibig upang makapagsalita at kamay upang makapag-sulat. Lahat ng ito ay mahalaga sa Pakikipag-ugnayan sa ating kapwa sa lipunan at sa ating mundong ginagalawan.

Ang kakayahan ay ang likas na katangian ng tao.Ang tao ay nakakabasa at nakakakita gamit ang mga mata,nakakapagsalita gamit ang bibig,tenga na nakikinig,mga kamay na nakakadama at nakakasulat at may utak na may kakayahang makaunawa.

Ngunit ito ay hindi sapat,dahil sa nagtataglay ang isang tao ng mga ito.Hindi ito ang kailangan ng lahat upang ang isang tao ay maituturing na matagumpay.Hindi sapat na ang tao ay nakakarinig,nakakasulat at nakakapagsalita.

Ang paglinang sa pagsasalita o pangkomunikatibo at pagsulat ang siyang tinutugunan sa paaralan o sa mga institusyong sanayan.Ang mga kakayahang tinataglay ay kinakailangang mapaghusay para sa higit na mapakinabangan.Ang mga ito ay hindi napaghuhusay sa isang iglap lamang.Nangangailangan ito ng tamang pagsasanay hanggang sa maging ganap ang angking kahusayan.

Ang mga nalinang na mga kakayahang pangkomunikatibo sa gramatika at pagsulat ay tinatawag na kasanayan.Ang pagsasalita at pagsusulat ay dalawang pangunahing paraan ng tao upang makapagbahagi ng ideya,saloobin o damdamin sa kanyang kapwa.Ito ang magiging sandata upang mapahusay ang sarili para sa pakikipag-ugnayan.Sa paglinang ng mga kasnayang ito magbubunga ng positibong pagbabago hindi lamang sa personalidad kundi maging sa ating buhay,at sa ating pamayanan.


Comments

Popular posts from this blog

Mga Kabataan sa Pagsulong ng Edukasyon