Mga Kabataan sa Pagsulong ng Edukasyon




Sinasabing ang "kabataan ang pag-asa ng bayan",ito ay patunay lamang na marami pa ring mga kabataan ang binibigyan ng kaukulang pansin ang kanilang pag-aaral para sa pamilya at para na rin sa bayan.Ang mga kabataang mag-aaral ngayon ay may napakalaking kontribusyon para sa pagsulong ng ika-uunlad ng kanilang pamilya pari na rin ang bansa.Dahil marami sa mga kabataang mag-aaral ang naniniwalang ang edukasyon ang susi para sa magandang buhay.

Masasabi ngang totoo ito,lalo na sa makabagong pamamaraan ng edukasyon.Ang pagbibigay sa mga kabataang mag-aaral ng sapat na programa para sa kanila sa larangan ng edukasyon..Mapagtutuunan nila ng pansin kung ano man ang kursong kanilang kukunin.Ang mga kabataan sa makabagong henerasyon ay may sapat ng kaalaman sa mga teknolohiyang meron tayo sa Pilipinas,na magagamit nila sa kanilang pang-araw-araw na gawain at sa kanilang pag-aaral.Makatutulong ang mga ito na magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa kung anong kurso ang makatutulong sa kanila sa paghahanap ng trabaho,bokasyunal man ito o kung gusto nilang makapagtapos ng kolehiyo.

Bilang isang guro,ang pagtuturo sa mga kabataan ng may sapat na kaalaman ay makatutulong upang sila ay makapag-tapos sa pag-aaral,ang pagpapakita ng tamang paggamit ng teknolohiya ay nararapat lamang na kanilang mag-aralan,upang ito ay hindi magamit sa maling paraan,kundi magamit lamang sa paraang makatutulong sa kanila sa pang-araw-araw,ang pagtuturo sa mga mabubuting aral na dapat taglayin mga kabataan upang  maipamulat sa kanila ang mga kagandahang ugali upang maging mabuting mamamayan.

Comments

Popular posts from this blog

Paglinang sa Kakayahang Pangkomunikatibo sa Gramatika at Pagsulat