Byaheng Selfie




Byaheng Selfie

Matagal ko ng nais makarating sa Ilocos Norte.Mula ng nangibang bansa ako,nagsimula na akong mangarap na sana makapasyal dito.Nangyari lamang ito noong nakaraang taon,na nakapamasyal kami sa halos 8 oras na biyahe mula sa amin sa La Union.
Subalit sulit ang aming paglalakbay,at pagod dahil sa magagandang tanawin at malinis na karagatan na aming napuntahan.Masasabi kong,ito ay isa sa pinakamagandang lugar sa Pilipinas.

Patapat Viaduct,Pagudpud,Ilocos Norte
Sa aming mga Ilokano,uso ang pasyon na umaalingawngaw sa mga simbahan sa panahon ng semana santa ay bahagi pa rin ng aming kultura at tradisyon,para mapanatili ang aming pananampalataya kahit sa ngayong nagbabagong modernong panahon.Ang pagiging magiliw sa mga panauhin ay sadyang nakatanim at nanatili sa aming mga Ilokano.






Itogon,Benguet
Ito ay sa Itogon,Benguet.Kung saan kasama ko ang ibang mga hikers na nag-hike at mamangha sa ganda ng ating mga likhang yaman.
Ang kanyao (Canao) ay isang ritwal na patuloy nilang ginagawa sa isang pagtitipon. Madaming pagkakaiba-iba sa bawat lupain, sa bawat angkan. Ito ay ginagawa para sa mga masasayang selebrasyon gaya ng masidhing pag-aani, pasasalamat sa pagkakagamot, at iba pa.











San Juan,La Union
Ito ay sa San Juan,La Union ang sinasabing surfing point ng La Union,Kami ng aking pamilya ay namangha sa ganda at linis ng anyong tubig na ito.Karamihan ng mga tao dito ay nagpapakita ng kahusayan sa pag-surf.Dahil karamihan sa kanila ay ito ang kanilang pinagkakakitaan.250 ang bayad para sa isang tao na magtuturo sayo na mag-surf para sa isang oras.
ito ay isang magandang puntahan kapag summer.








Isa din sa mga pasyalan dito sa Hongkong ay ang mga beach.Halos lahat ng mga nagtatrabaho dito ay 
Ginugugol ang kanilang mga oras sa pag-punta sa mga beach dito.
Noong October 17,2009 nang napadpad ako sito sa Hongkong upang magtrabaho para sa aking pamilya.
Pamilyar sa mga Chinesse ang pagselebrasyon nila ng Chinesse New Year na hanggang ngayon ay patuloy at kanilang pinag-kakagastusan kapag araw ng kanilang bagong taon.
Kadalasang mga handa nila sa araw na ito ay ang mga mapupulang pagkain.At nagbibigay din sila ng mga red pocket para sa kanilang mga kasambahay.
Mahilig sila sa pagkain na noodles,tea,Soup at dumplings.

Repulse Bay Beach,Hongkong




































Comments

Popular posts from this blog

Paglinang sa Kakayahang Pangkomunikatibo sa Gramatika at Pagsulat

Mga Kabataan sa Pagsulong ng Edukasyon